Sa panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong 2016, nabanggit ni Danny Javier na nagkaroon siya ng "white light" experience noong siya's magkasakit nang malubha noong 2011.

Binigyan na daw siya ng taning at 10% na tsansang mabuhay.

"I'm in the pink of health although I nearly died on June 11, 2011. At that time i preferred to keep it quiet because i'm just another life," sabi ni Danny.

"One thing led to another. Na-food poisoning ako, akala nila asthma. I was told I had kidney failure. I had liver collapse. I had emphysema. I had pneumonia, hepatitis-A, congestive heart failure, and—i might have skipped something else—sepsis," dagdag pa niya.

Habang nagpapahinga raw sa ospital at hawak ang kamay ng kanyang anak, nagkaroon daw siya ng pangitaing nagdala daw sa kanya sa langit, purgatoryo, at impyerno.

"Nagkaroon ako ng white light experience. 'Yung sandali lang, hawak-hawak ko yung kamay ng anak ko. Ang feeling ko, kung saan-saan ako nagpupunta. pumunta akong langit, purgatoryo at saka impyerno," sabi ni Danny.

"Pagdating ko sa impyerno, ang daming tao, nakapila. Lahat, mga kaibigan ko. So at home na at home ako," aniya kasabay ng pagtawa.

Dahil sa dami raw ng tao at haba ng pila, napatanong si Danny kung maaring bumalik.

"Sabi ko sa bantay, pwede ba kong bumalik? Kasi walang gustong magpasingit e. Nu'ng umalis ako, namulat ako, hawak ko pa rin yung kamay ng anak ko," sabi ni Danny.

Nang tanungin raw niya ang kanyang anak kung gaano siya katagal nakatulog, ang sagot raw nito, "Were you asleep?"

"In other words, sandaling-sandali 'yung..."

Matapos gumaling, sineryoso na daw ni Danny ang pagkain ng malulusog na pagkain tulad ng malunggay.

"I lost 20 pounds all in all. But i was able to walk out of the hospital. I recovered," sabi ni Danny.

"This is my time to go, it's my time to go. I have never been afraid of death. kung hindi ka mamamatay, hindi ka nabuhay. di ba? 'Yun talaga ang destination mo, e," dagdag pa niya.

Kinumpirma nitong Lunes ng kanyang anak na si Justine Javier Long ang pagpanaw ng batikang mang-aawit sa edad na 75.

Mga kumplikasyon dahilan ng kanyang mga sakit ang dahilan daw ng kanyang pagyao.

"In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way," sabi ni Justine sa Facebook. —NB, GMA News