Pinakitaan ni Miles 'Hamog' Ocampo ang isang "Bida Next" contestant sa "Eat Bulaga" kung papaano lumuha nang biglaan at wala sa script.
Sa isang episode ng Kapuso noontime show, sumabak sa aktingan ang kalahok sa Bida Next kasama ang mga "batang hamog" na sina Miles, Maja Salvador at Ryza Mae Dizon.
Sa huling eksena, sinabi ng kalahok kay Majamog, na kunwaring nanay niya, na gusto lang niyang mag-artista at nagtanong kung papaano.
Kaya sabi ni Majamog na patak lang luha sa kanan ay tiyak na tanggap na siya.
Pero nagtanong ng kalahok kung puwede raw bang dayain ang luha? Na sinagot ni Majamog na hindi at kaya dapat with feelings.
Dito na isinubo ni Majamog si Mileshamog para ipakita kung papaano magpapatak ng luha sa isang mata in just 10 seconds.
Panoorin sa video kung paano ginawa ni Mileshamog ng impromptu na luha, at ganundin ang pag-indak ng ala-batang hamok ni Maja ang kanta niyang "Dahan-dahan lang."
--FRJ, GMA News