Hinatulang guilty sa tatlong count ng child pornography at tatlong count ng coercing minors into sexual activity ang R&B singer na si R. Kelly.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ginanap ang paglilitis kay R. Kelly, o Robert Sylvester Kelly nitong Miyerkules.

Nakasaad sa batas ng Chicago na katumbas ng 10 taon pagkakakulong ang isang count ng child pornography.

Sinintensyahan noong Hunyo ng 30 taon pagkakakulong ng New York City Court si R. Kelly, na kumanta ng "I Believe I Can Fly," para naman sa racketeering at prostitusyon. —Jamil Santos/LBG, GMA News