Humingi ng tulong si Aicelle Santos at ang pamilya niya para sa pagpapagamot ng kaniyang ina na nananatili pa ring comatose, tatlong linggo makaraang ma-cardiac arrest.

Sa Instagram nitong Huwebes,  ibinahagi ng Kapuso singer ang GoFundMe page na binuo nila ng kaniyang kapatid na si Aaron upang makalikom ng pondo para sa lumalaking gastusin sa pagamutan ng kanilang ina.

Ayon kay Aaron, nananatiling kritikal ang kalagayan ng kanilang 60-anyos na ina na si Leonila "Onnie" Santos.

 

 

"Three weeks ago, my mother Onnie's heart stopped for nine minutes. It was enough to do a lot of damage to her brain, and to this day she remains unconscious in the intensive care unit (ICU) of a hospital close to home in Manila, Philippines," sabi ni Aicelle.

"She has been showing signs of progress—and we have been clinging to these as sources of hope. But every day that she remains in the ICU means a sharp spike in her hospital bill, and it is expected to reach an amount far more than my family's capacity to pay," patuloy niya.

Inaasahan na aabot umano sa P4 milyon ang gastusin sa isang buwan na pananatili sa ospital ng kanilang ina.

"Our Mommy is still in there. She is fighting, and we're going to fight with her," ani Aicelle.

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaari itong ipadala sa:

Metrobank
Aicelle Anne S. Zambrano
Savings
362-3-362076421

—FRJ, GMA News