Dahil kilalang doktor ang kaniyang mga magulang na sina Vicki Belo at Hayden Kho, natanong si Scarlet Snow Belo kung balak din ba niyang maging doktor.

Sa kauna-unahan niyang solo interview sa "Surprise Guest with Pia Arcangel,” sinabi ni Scarlet na pangarap ng kaniyang mga magulang para sa kaniya na maging isang doktor.

"Well they want me to," sabi ni Scarlet.

Pero kung siya ang tatanungin, "Maybe" ang kaniyang naging sagot.

Dahil dito, tinanong ng host na si Pia kung ano ang pipiliing propesyon ni Scarlet sa kaniyang paglaki.

"If I don't want to be a doctor, then I don't know," tugon ng 7-anyos na bata.

Ibinahagi rin ni Scarlet ang bonding moments niya sa kaniyang ama at ina.

"Not if it's a surprise for them. And also sometimes I don't want to tell them something maybe? Sometimes, a little bit later and sometimes I won't even tell it," kuwento ni Scarlet tungkol sa pagbabahagi niya ng kaniyang mga sikreto sa kanila.

Hindi raw niya pina-prank ang kaniyang mga magulang, pero bonding moment nila ang kilitian.

"I usually make them laugh with jokes and I tickle them. Sometimes before night I team up with either my daddy or my mommy to tickle. Like if I team up with my dad, we will tickle my mommy. If I team up with my mommy, we both tickle my daddy," sabi ni Scarlet.

"But I usually team up with mommy. Actually before we said 'Okay, group hug!' and then me and daddy, when we did a group hug, we all hugged each other and then daddy pinched her arms down and I tickled her," dagdag niya.

Pero kahit minsan hindi raw siya pinagkaisahan ang kaniyang mga magulang para kilitiin siya.

"No, never," kuwento ni Scarlet, na enjoy din sa panonood ng mga pelikula kasama ang mga magulang. -- FRJ, GMA News