Patok sa netizens ang extra challenge na pagsayaw ni Herlene Budol sa surfboard sa Palawan.

Sa kaniyang Tiktok video, mapapanood na humahataw sa sayaw ang Binibining Pilipinas First Runner Up suot ang yellow bikini.

 

@herlene_budol #fyp #fyp? #foryoupage ? Left And Right (Speed Up) - jjqrks

 

Kahit na gumagalaw-galaw ang surfboard, hindi nagpaawat si Herlene sa Tiktok trend na "Left and Right."

Umabot na sa mahigit isang milyong views at 150,000 reactions ang video ni Herlene.--Jamil Santos/FRJ, GMA News