Dahil komportable sila sa isa't isa, sinabi nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na emosyon ang ipinapakita nila sa kanilang "steamy" o sexy scenes sa afternoon drama series na "Return To Paradise."

Sa "Surprise Guest With Pia Arcangel," nagkuwento si Elle tungkol sa karakter niyang si Eden Santa Maria o Yenyen, ang babaeng bibihag sa puso ni Red Ramos, na ginagampanan ni Derrick.

"'Yung sa character ko po kasi, she's not sexy, I mean in a way na dapat seductive. Wholesome pa rin 'yung character ko. Medyo nababalanse siguro dahil hindi siya todo-bigay but there's these steamy scenes na ginawa namin sa sila, at gagawin pa," sabi ni Elle.

Tinanong ng host na si Pia Arcangel kung paano ginagawa nina Derrick at Elle ang steamy scenes para sa series, gayong may mga tao na kinukunan sila sa likod ng camera.

"Kami kasi ni Elle when we do sexy scenes, we don't think of what we're gonna look like eh, We think of the emotion and the journey of the character, kasi 'yun ang pinaka-importante for us eh, kung ano 'yung mafi-feel namin as Red and Yenyen habang ginagawa namin 'yung scene," paliwanag ni Derrick.

"So kami parang hindi namin naiisip na kailangan ganito ang angle ng face, kailangan ganito para mas mukha siyang sexy. Kung ano 'yung nafi-feel namin deep inside, nilalabas lang namin sa isa't isa," dagdag ni Derrick.

Ibinahagi naman ni Elle ang ginagawa nilang "ritwal" ni Derrick matapos ang kanilang sexy scene na magpapaalala sa kanila na kailangan na nilang mag-off character.

"Actually nakita po 'yun sa BTS (behind the scene) video namin na pinost ni Derrick sa Instagram. Kunwari like mag-e-eksena kami na mabigat, parang nag-high five kami nu'n, parang ang cute lang nu'ng nakita namin 'yung video," anang aktres.

"Parang teamwork ganu'n," paglalarawan naman ni Derrick.

Ang "Return To Paradise" ay kuwento nina Red at Eden, na mga college student, na mapapadpad at stranded sa isla matapos ang isang trahediya.

Habang nasa isla, mahuhulog sa isa't isa sina Red at Eden at mabubuo ang kanilang pag-iibigan.

Tunghayan ang Return To Paradise ng 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime. --FRJ, GMA News