Para kay Max Eigenmann, higit sa pagiging tita, best friend kung ituring niya ang namayapang aktres na si Cherie Gil.

Sa isang episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, ibinahagi ng Cinemalaya 2022 Best Actress na si Max ang close relationship nila ng kaniyang Tita Cherie.

Inilarawan ni Max ang kaniyang namayapang tita bilang, “really, really sweet as in. Super duper loving, super kind. Very super sassy.”

“You know, Tita Cherie and I were really close. I don't like—parang it doesn't feel right when I refer to her in the past,” saad ni Max.

Dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa, idinedicate ni Max kay Cherie ang napanalunang niyang best actress award.

Ayon kay Max, “super best friends” niya ang kaniyang Tita.

“We've always been close ever since I was a kid, but I think our relationship parang became more than tita and niece after my dad passed away, like really became barkada talaga,” patungkol ni Max sa kaniyang namayapang ama na si Mark Gil.

“We were together almost everyday after he passed away. I would be at her condo all the time with my stepmom and my sisters," patuloy ni Max.

Mahirap umanong makahanap ng katulad ng kaniyang tita, ayon kay Max.
“I super miss her,” sabi pa niya.

Ayon kay Max, malapit si Cherie sa mga kapatid nito, kabilang sa kaniyang ama na si Mark.

“Close din kasi siya sa dad ko eh, so yun din siguro ang naging reason kung bakit naging sobrang close ako kay Tita Cherie," paliwanag niya.

“Kasi I was very, very close to my dad, he was so close to Tita Cherie. So I think [a lot of it] had something to do [with that], ‘cause she reminded me so much of my dad.”

Pumanaw si Cherie noong August 5 dahil sa rare form ng endometrial cancer. — FRJ, GMA News