Hindi matutuloy ang Super Junior member na si Choi Siwon sa "Super Show 9: Road in Manila" concert ng grupo sa Agosto 6 matapos siyang magpositibo sa COVID-19.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ito ang inanunsyo ng agency ng Super Junior na Label SJ.
Sumailalim si Choi sa RT-PCR test matapos ang concert nila sa Bangkok.
Naka-quarantine na sa ngayon si Siwon.
Nagpasalamat naman si Siwon sa kaniyang Instagram sa pag-unawa at pagmamahal ng fans.
"I can only say sorry to my hardworking Super Junior members and the fans who worried for me. No words can describe my gratitude. Please all be careful amid the resurgence of COVID-19 and I'm once again so grateful for the medical team for their efforts during this hot summer," saad ng singer-actor.
"I will recover quickly and see you soon in good health. Stay safe everyone."
Inilahad naman ng PULP Live World na tuloy pa rin ang concert ng ibang miyembro ng Super Junior sa Pilipinas na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
SUPER JUNIOR WORLD TOUR - SUPER SHOW 9 : ROAD IN MANILA
— PULP Live World (@pulpliveworld) August 3, 2022
ARTIST LINE-UP ANNOUNCEMENT#SS9inManila pic.twitter.com/Gv7iq6v47q
Hunyo nang i-release ng Super Junior ang comeback single at music video nila na "Don't Wait," at ni-release rin nila noong nakaraang buwan ang 11th album na "The Road: Keep on Going." —Jamil Santos/VBL, GMA News