Napa-throwback ang netizens nang i-recreate ni Thalia ang isa sa kaniyang all-time favorite character at iconic role na si Marimar.

Sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Miyerkules, makikita na achieve na achieve ng Mexican actress ang kaniyang look bilang si Marimar, mula sa makeup, hairstyle, pati na rin sa dress at pictorial sa tabing dagat.

Mapapanood ang pagtakbo ni Thalia, bilang si Marimar, sa beach at nagdo-drawing ng puso sa buhangin, na mula sa isang eksena sa Mexican series.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Thalia (@thalia)

 

Ayon kay Thalia, hindi siya makapaniwala na 28 taon na ang nagdaan magmula nang gampanan niya ang kaniyang karakter.

“In my wildest dreams would I have ever imagined that this character would be a part of me during my lifetime. Twenty years later, it made me cry tears of joy and remember an avalanche of moments,” saad niya.

“I had so much fun doing this for you all. I have to admit though that I did it for me too and I’m glad I had something hidden in the [heart],” dagdag ni Thalia, na may pa-hashtag pa na #Marimar4ever. —Jamil Santos/LBG, GMA News