Tunay na "Love is in the air" dahil sa sweet moments ng young celebrity couples ng kanilang henerasyon na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Sofia Pablo at Allen Ansay, at Kobe Paras at Erika Poturnak. Ano nga ba ang mga real score ng kanilang relasyon?

Sa kuwentong Dapat Alam Mo! ni Nelson Canlas, makikita ang ilan sa sweet photos nina Erika, anak in Ina Raymundo, at Kobe, anak ni Benjie Paras, nang magbakasyon sila kasama ang mga kaibigan sa Bali, Indonesia.

Bagama't wala pang opisyal na pahayag mula kina Erika at Kobe, kakaibang kilig naman ang hatid ng kanilang IG photos.

Napapabalita ring in a relationship si Juliana Gomez, anak nina Richard at Lucy Torres-Gomez, sa atletang si Miggy Bonnevie-Bautista.

Pinaniniwalaan ng netizens na nag-click ang dalawa dahil sa sports na fencing, kung saan nagsasanay si Juliana sa National Fencing Team, at national athlete si Miggy.

Mula sa pagiging on-screen partners, tila nagkamabutihan sina Mavy at Kyline.

"Feeling ko kapag nahanap mo 'yung special someone mo, alam mo na 'yun, sure na sure ka na. Na you have to know that person, you go through all the ups and downs in life with that person, then you really feel na it's time," sabi ni Mavy.

"I'm done na with the process of healing. So yes, I guess I am [ready]," sabi naman ni Kyline.

Hindi rin pahuhuli ang nakakakilig na love team nina Sofia at Allen na "Team Jolly."

Unang nagkasama sina Sofia at Allen sa "Raya Sirena," hanggang sa sinubaybayan na ng netizens ang kanilang Tiktok collabs at pranks sa isa't isa. —Jamil Santos/LBG/KG, GMA News