Hindi itinago ni Erika Rae Poturnak ang kasiyahan sa pagsailalim niya sa breast reduction surgery.

Sa TikTok, nag-post ang anak ni Ina Raymundo ng video at larawan kaugnay sa kaniyang karanasan sa naturang operasyon.

“Happiest day of my life,” saad niya sa caption na may hashtag #BreastReductionSurgery.

 

@erikarae.p Happiest day of my life #breastreduction #breastreductionsurgery #fyp ? original sound - jake

 

Sa comment section, sinabi ni Erika Rae na “best decision of my life” ang kaniyang ginawa.

Umani naman ng suporta ang naturang post, kabilang na ang kaniyang mommy Ina at ang social media personality na si Inka Magnaye.

“Congratulations, love! So happy for you! I bet your back will feel amazing,” sabi ni Inka.

Ayon kay Dr. Caparas ng Belo Medical Group, isa sa mga dahilan kaya sumasailalim ang pasyente sa breast reduction ay dahil sa pananakit ng likod dahil sa bigat ng dibdib.

Ang layunin umano ng breast reduction surgery, ayon sa Belo Group ay, " to create a size that’s more proportional to the body, or to alleviate the discomfort of having overly large breasts.” – FRJ, GMA News