Nagningning ang ageless beauty ni Alice Dixson, 53-anyos ngayong taon, sa kaniyang bagong blonde na hairstyle.

Sa kaniyang Instagram, itinampok ni Alice ang bago niyang hairstyle na sun-kissed honey blonde.

 

 

Sa ngayon, may mahigit 28,000 likes na ang post ni Alice.

Pinost ito ni Alice dalawang linggo bago niya ipagdiwang ang kaniyang ika-53 kaarawan sa Hulyo 28.--Jamil Santos/FRJ, GMA News