Matapos na maging guest ni Barbie Forteza sa kaniyang unang Youtube talkshow si Bea Alonzo, si Barbie naman ngayon ang naging bisita sa vlog ni Bea at marami siyang inamin.

Sumalang si Barbie sa lie detector challenge, at dito ay sinagot ng aktres ang matitinding tanong ni Bea: tungkol sa childhood, career, relationship, friendship, at life.

Kabilang sa mga tanong ni Bea kay Barbie ay kung naging karelasyon ba niya si Kiko Estrada.

"Yes," ang naging sagot dito ni Barbie. Inamin din ng aktres na hindi na sila magkaibigan ni Kiko matapos ang kanilang breakup.

Inamin din ni Barbie na nagkaroon siya ng crush kay Andre Paras, nakatrabaho niya sa series na "That's My Amboy."

Tinanong din ni Bea kung sa nagtaksil na sa kaniya ang nobyo niyang si Jak Roberto.

"No," naman ang sagot ni Barbie.

Nilinaw din ng aktres na hindi siya nagseselos sa mga kaeksena ni Jak sa trabaho. Pero iba raw kapag nagkakaroon ng ayaan na lumabas na hindi na kaugnay sa trabaho.

Panoorin ang kakaibang panayam ni Bea kay Barbie sa video.FRJ, GMA News