Nais ni Tuesday Vargas na maranasan din ng kaniyang mga anak ang naranasan niyang practical play noong bata pa siya kaysa maglaro ng gadgets.
Sa programang "Mars Pa More," tinanong si Tuesday kung bibigyan ba niya ng cellphone ang kaniyang pitong-taong-gulang na anak o pamangkin kung manghihingi ito.
"Huwag kayong magagalit, yung mga mommies, hindi ako against sa technology pero ayaw [para] sa seven-years-old," sabi ni Tuesday.
Paliwanag ng aktres, "Ayaw ko muna kasi as a parent, gusto kong maranasan ng anak ko yung naranasan ko noong bata ako."
Nais daw ni Tuesday na maranasan din ng kaniyang anak ang practical play tulad ng paglalaro ng lupa.
"Gusto ko naglalaro sa lupa, 'pag hinanap ako, 'Nasaan si Maricel?.' Ah, naglalaro ng lupa.' Yung ganon," paliwanag niya.
Tinanong ng host si Camille Prats si Tuesday kung ano sa tingin niya ang tamang age ng bata para bigyan na ng cellphone.
"Siguro 10. Kapag nag-double digit na [ang age]. Siguro may level of resposibility na, mga nine or ten ganyan," sabi ni Tuesday.--FRJ, GMA News