Bumisita ang K-pop sensation na BTS sa White House at ibinigay ang kanilang pahayag tungkol sa nakababahalang pagtaas ng anti-Asian hate crime sa Amerika.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing isa-isang nagsalita ang mga miyembro ng BTS tungkol sa isyu.
Ayon sa grupo, kaisa sila ng White House sa paglaban sa anti-Asian violence at diskriminasyon.
Dagdag pa ng South Korean boy band, dapat na yakapin ang pagkakaiba-iba para makamit ang tunay na pagkakapantay-pantay sa mundo.
Hiling pa ng BTS na maging hakbang ito para lalong mas maunawaan at respetuhin ang lahat ng tao.
Naniniwala rin ang BTS sa kapangyarihan ng musika para pagkaisahin kahit ano pa man ang iyong lengguwahe at kultura.
Nagkaroon din ng meeting ang grupo kasama si US President Joe Biden.
It was great to meet with you, @bts_bighit. Thanks for all you’re doing to raise awareness around the rise in anti-Asian hate crimes and discrimination.
— President Biden (@POTUS) June 1, 2022
I look forward to sharing more of our conversation soon. pic.twitter.com/LnczTpT2aL
"It is an honor to be invited to the White House to discuss important issues of anti-Asian hate crimes, Asian inclusion and diversity," sabi ni RM.
"We thank President Biden for giving this important opportunity to speak about the important causes, remind ourselves of what we can do as artists," dagdag ni RM.
Pinasalamatan naman ni Biden ang BTS sa kanilang adbokasiya na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa usapin ng anti-Asian violence. —Jamil Santos/VBL, GMA News