Ginawaran ang American singer-songwriter na si Taylor Swift ng honorary doctorate of fine arts ng New York University.
Sa Chika Minute report sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nagpasalamat ang award-winning singer-songwriter sa kaniyang pamilya at sa unibersidad kaniyang speech sa kanilang 188th commencement, matapos siyang gawing isang "doktor" ng institusyon.
Binigyan din ng pagkilala ni Taylor ang dedication ng Class of 2022, dahil "they experienced college in the middle of the pandemic."
Nagbahagi rin si Taylor ng inspiring life hacks para sa mga bagong graduate, isa na rito ang kaniyang sinabi na "Never be ashamed of trying," at "Mistakes may lead to best things in life."
Napuno rin tawanan ang stadium dahil sa mga nakakatuwang hirit ng American singer.
Dati nang sinabi ng NYU na ginawaran nila si Taylor ng honorary degree dahil isa siya sa pinaka-prolific at celebrated artists ng kaniyang henerasyon.
"I'm trying to tell you, that losing things doesn't just mean losing. A lot of the time when we lose things, we gain things too. I hope you know how proud I am to share this day with you. We’re doing this together. So let’s just keep dancing like we’re... the class of '22," sabi ni Taylor sa kaniyang speech. --Jamil Santos/FRJ, GMA News