Inihayag ni Kylie Padilla kung gaano kamahal ng kaniyang ama na si Robin Padilla ang Pilipinas at ang mga tao. Sa harap ito ng pangunguna ng aktor sa unofficial count sa mga kandidatong senador sa katatapos lang na Eleksyon 2022.
Sa Facebook post ng aktres, inilahad niya ang kaniyang damdamin sa pagbati sa kaniyang ama bilang isang karaniwang tao, at bilang isang anak.
"I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo," ani Kylie sa caption ng larawan nilang mag-ama sa post.
"And all i can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you," patuloy niya.
At bilang isang anak naman, inihayag ni Kylie na batid niya kung gaano kamahal ng kaniyang ama ang bansa at ang mga tao para makatulong.
"Parte ng pagkatao niyang tumulong. He has always been selfless pagdating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen," anang aktres.
Dati na raw ginagawa ng kaniyang ama ang pagtulong sa kapuwa.
"Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations," sabi pa ni Kylie na naka-tag ang kaniyang amang si Robin. --FRJ, GMA News