Umatras sa laban sa Binibining Pilipinas pageant ang tatlo nitong kalahok.
Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), na tinanggap na nila ang pag-atras sa kompetisyon nina Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, at Iman Franchesca Cristal.
“We thank them for their time and wish them well in their future plans. Given this development, we are happy to welcome the new addition to our latest batch of Binibinis: Patricia Ann Tan, Ma. Isabele David and Joanna Marie Rabe,” ayon pa sa pahayag.
Nitong Biyernes inihayag ng BPCI ang Top 40 candidates sa kompetisyon, kabilang si Herlene "Hipon Girl" Budol.
Ang mga magwawagi sa Binibining Pilipinas 2022 ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental, at Miss Grand International. — FRJ, GMA News