Inilabas na ng mga awtoridad ang footage sa insidente ng magpaputok ng prop gun ng Hollywood actor na si Alec Baldwin, na ikinamatay ng kanilang cinematographer at ikinasugat ng kanilang direktor dahil totoo bala pala ang laman nito.
Sa video ng Santa Fe County Sheriff's Office na kuha noong Oktubre 2021, makikita na inililigtas ang buhay ng cinematographer na si Halyna Hutchins at ang film director na si Joel Souza sa set ng pelikulang "Rust," na pinagbibidahan ni Baldwin.
Nakaligtas si Souza, na nagtamo ng sugat sa balikat habang nasawi si Hutchins dahil sa tama sa dibdib.
Si Baldwin, na siya ring producer ng pelikula, ang nagpaputok ng baril. Pero sinabi niyang hindi niya alam na may live ammunition ang baril na pinagpapraktisan niya nang sandaling iyon.
May itinalagang staff para siguraduhing ligtas ang mga ginagamit nilang props sa set.
"She cleans the barrel every time, and she checks that the rounds are all cosmetic grounds or nothing in the chamber for the rehearsal. She hands me the gun. I'm assuming she's done it the right way as she's done in the last two weeks," paliwanag ni Baldwin.
"I put it in the holster, I pull it out slow. We're rehearsing. We're not filming anything. I pull it out slow, cock the pistol. Bang! It goes off and (Hutchins) hits the ground. Then (Souza) starts screaming," paglalahad pa ng aktor.
Tinukoy ni Baldwin na naglilinis ng baril ang set armorer na si Hannah Gutierrez Reed.
Giit ni Baldwin, mahigpit na ipinagbabawal sa set ang live ammunition dahil maaari itong mahalo sa props.
"I don't know any projectile in a gun with a flash prop gun that could accomplish that. Now if somebody put a live round in there, accidentally... You see, a very important question for Hannah is, have you ever co-mingled live rounds with theatrical rounds in your kit? Because they're forbidden to do that," ani Baldwin.
Si Reed ay anak ng isa sa mga pinakarespetadong gun experts sa Hollywood.
Patuloy ang imbestigasyon kung sinadya ni Reed ang paglalagay ng live ammunition sa baril. Pero dati na itong itinanggi ni Reed.
Naharap naman si Baldwin sa patung-patong na reklamo, at pinagmulta ng $136,793 o katumbas ng mahigit P7 milyon ang Rust Movie Productions. -- FRJ, GMA News