Malaki man ang pagkakaiba sa bansang pinagmulan niya na Japan, inihayag pa rin ni Maria Ozawa na masaya siya kapag nasa Pilipinas.
Matapos umalis ng Pilipinas at umuwi sa Japan nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, muling nagbalik sa bansa si Maria para sa isang event.
Inilunsad ni Maria ang Maria’s Room, isang online gaming portal na ginawa para sa kaniya ng M88 Mansion.
"I love the Philippines, I love everything about it," pahayag ni Maria sa GMANetwork.com.
"Everyone is so nice and laid back, and their hospitality is very, very different from where I came from. I look at myself and I can see that I am happier here," patuloy niya.
Hinahanap-hanap daw ni Maria ang mga pagkaing Pinoy, ang klima ng bansa at magaganda nitong beach.
Gayunman, hindi magagawa ni Maria na makapaglibot sa bansa dahil sandali lang siyang mananatili sa Pilipinas.
"I came to pick up my dog which I left for two years. We did some paperwork and I think we're ready to bring him back to Japan," paliwanag niya.
Pero babalik pa raw muli si Maria sa bansa para i-promote pa ang Maria's Room, na kabilang sa mga online casino games ay Bikini Party, Football Baby, at iba pa.
"This is my very first big project. So, that means I can come back here to the Philippines for business also. I'm just really excited," saad ng Japanese celeb.
Natawa naman si Maria nang tanungin kung handa ba siyang ma-"fall in love" muli sa Pilipinas.
“Hopefully, hopefully,” saad niya.
Pero sinabi naman ni Maria na "happy" siya ngayon.
Nito lang nakaraang Disyembre nang malaman na naghiwalay na sila ng kaniyang Pinoy celebrity chef boyfriend na si Jose Sarasola.
Sa panayam kay Maria noong 2015, sinabi niya na itinuturing niyang second home ang Pilipinas.—FRJ, GMA News