Ibinahagi ni KC Concepcion sa pamamagitan ng Instagram post na kabilang siya sa cast ng pelikulang "Asian Persuasion" sa Amerika.
Nag-post si KC ng screengrab mula sa Variety Magazine na makikita ang kanilang larawan kasama ang iba pang Fil-Am actors na sina Dante Basco, Paolo Montalban, at Jax Bacani.
Sa naturang post, sinabi ni KC na katatapos lang nilang gawin ang ikatlong araw ng kanilang shooting.
"Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew," saad ng aktres.
Ayon sa Variety, si KC ang pumalit kay Toni Gonzaga bilang lead star sa "Asian Persuason," ang directorial debut ni Jhette Tolentino, na three-time Tony Awards at Grammy Awards winner.
Kasama rin sa cast sina Apl.de.Ap, Yam Concepcion, Fe Delos Reyes, Tony Labrusca, at Rex Navarrete.
"Set in New York, romantic comedy 'Asian Persuasion' features a diverse, primarily Asian cast and seeks to elevate, inform and inspire the Asian narrative," ayon pa sa Variety.
Ang pelikula ay tungkol sa newly divorced na si Mickey, isang chef na nais lampasan ang trahediya sa kaniyang buhay at magtatayo ng Michelin-rated Filipino restaurant.
"As life continues to be unkind, Mickey comes up with scheme involving online dating and getting remarried. Everything goes smoothly until Mickey's plot backfires on him," ayon sa IG ng The Asian Persuasion.
"Asian Persuasion is produced under the Jhett Tolentino Productions banner with Tolentino and screenwriter Mike Ang serving as producers," anang Variety.
Una rito, nagbigay ng pahiwatig si KC sa IG post tungkol sa pelikulang gagawin niya. Sa kaniyang nagdaang kaarawan, nag-post siya ng larawan habang inaayusan at sinabi niyang, "being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself."
"Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true," ani KC.
--FRJ, GMA News