Hindi napigilang maluha ni Marina Benipayo nang pag-usapan ang isang dekada nang relasyon nila ni Ricardo Cepeda, at kung paanong tinanggap ng kaniyang mga anak ang aktor.

Sa programang "Mars Pa More," sumalang sina Marina at Ricardo sa "Tough-Patan" segment, kung saan tinanong nila ang isa't isa tungkol sa kanilang pagsasama.

"How do you feel about my fathering skills to your boys?" tanong ni Ricardo kay Marina.

"You're the best father... When Richard (tunay na pangalan ni Ricardo) came into our lives, it was the first time my boys actually recognized a father," matamis na sagot ni Marina.

Si Ricardo naman, naniniwalang "good mother" si Marina sa kaniyang mga anak.

Nang tanungin ni Ricardo si Marina kung mayroon itong deal-beaker sakaling mag-away sila, mabilis na sumagot si Marina ng no, o wala.

Ayon sa beauty queen-actress, naramdaman niya ang tunay na pagmamahal ni Ricardo sa kaniyang mga anak.

"Ewan ko kung nangyari rin sa ibang mga naging single mom, but it's not na 'yung standards mo ay bumaba, it's not that at all. It's just that you are looking for someone who will truly love your children," sabi ni Marina.

"With Ricardo kasi, it felt so light and my kids... ang ganda eh. I mean, you're expecting na magkaka-friction, magkaka-questions. My kids just accepted him, they felt good about him being their tito. So parang okay din kasi pinabayaan ni Lord na ibigay siya sa akin," dagdag ni Marina.

Para kay Marina, isang biyayang dumating sa kanilang buhay si Ricardo.

"Lumaki kasi 'yung kids ko na walang father. Ako 'yung father figure. So I truly feel na Richard is a gift, gantimpala na rin, siguro sa lahat ng napagdaanan namin ng kids ko also," saad niya.

Kaya naman hindi raw maisip ni Marina na maghihiwalay sila ni Ricardo.

"Kung 'yung deal-breaker, that's not even in my mind kasi after what we've gone through, kahit kaming dalawa, I don't think anything else can break us. Talaga, honestly," sabi ni Marina.

--FRJ, GMA News