Hindi na naman napigilan ni Carmina Villarroel ang maging emosyonal nang magpaalam sa kaniyang pamilya para sa panibagong lock-in taping.
Sa Instagram post, ibinahagi ng Kapuso actress ang video clip habang umiiyak siya at yakap ang mister na si Zoren Legaspi, at anak na si Cassy.
"Here I go again…Yes, I'm such a cry baby," saad ni Carmina.
"Time for hotel quarantine and lock in taping for 'Widows’ Web' til March," sabi niya.
"I will miss you Tatay, Cassy, Mavy, my dad, and my fur babies! I will be home soon. I love you all," dagdag ng aktres.
Ayon kay Carmina, wala sa video ang anak na si Mavy dahil nasa trabaho ito.
Samantala, nagbahagi rin si Cassy sa Instagram story ng mga larawan nang umalis ang kaniyang ina.
"Our iyakin bunso is leaving again for her lock-in taping," biro niya sa post.
Kasama rin sa "Widow's Web" sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Vaness del Moral, Adrian Alandy, Arthur Solinap, Dave Bornea, at EA Guzman.
— FRJ, GMA News