Naghatid ng tulong si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kaniyang mga kababayan sa Compostela, Cebu na hinagupit ng Bagyong "Odette."

Sa ilang larawan ni Bea sa Instagram, na makikita rin sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabi ng Miss Universe Top Five finalist na gusto niyang mabigyan ng relief goods ang mga residenteng hirap maabutan ng tulong dahil nasa mga liblib na lugar.

 

Dagdag pa ni Bea, dedikasyon niya ito para sa yumao niyang lola.

Nagpasalamat din ang beauty queen sa mga tumulong at nag-donate.

Nakapasok si Bea sa Top 5 ng Miss Universe 2021, pero hindi umabot sa Top 3.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News