Tila mabubuo ngayong Pasko ang pamilya ng mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco matapos ang kanilang paghihiwalay.
Sa isang Facebook post, makikita ang mag-asawa na masayang kumakain sa isang restaurant kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori and Alessi.
Sa naturang post ni Alwyn, simpleng tatlong emoji heart ang inilagay niyang caption.
Matatandaan na nitong Mayo nang maibalita ang paghihiwalay ng mag-asawa.
Sa kabila nito, nag-post si Alwyn ng hangarin na muling mabuo ang kaniyang pamilya at humingi siya ng paumanhin kay Jennica.
Makalipas ng ilang buwan, sinabi ni Jennica na muli silang nag-uusap ng kaniyang asawa.
Taong 2014 nang ikasal sina Jennica at Alwyn.– FRJ, GMA News