Inihayag ni Rica Peralejo na nakararamdam siya ng pressure bilang asawa ni Joseph Bonifacio na isang pastor.
Sa "Mars Pa More," ipinaliwanag ni Rica kung bakit tila artista rin ang maging asawa ng isang pastor.
"I think, baka ayaw aminin ng iba, pero [merong pressure] talaga. Because it's kinda like para ka ring 'artista-sort,' kasi tinitingnan ka ng lahat dahil ikaw 'yung asawa ng pastor," sabi ni Rica.
Sinabi ni Rica na nang magtagal, nakasanayan na rin niya ang pressure.
"Hindi naman sa mali siya, pero reality siya ng pagiging asawa ng isang pastor," ani Rica.
Ayon pa kay Rica, ang pagiging ina ang isa sa mga parte ng kaniyang buhay na kinailangan niyang mag-adjust at nahirapan siya.
Labing isang taon nang kasal sina Rica at Pastor Joseph. Meron silang dalawang anak — sina Philip at Manu.
Samantala, sinagot din ni Rica ang tanong kung bibigyan niya ng ikalawang pagkakataon ang showbiz.
"If it's the right project, why not?" sabi ni Rica. — Jamil Santos/VBL, GMA News