Inilahad ni Yasmien Kurdi na P20,000 lamang ang ginastos nila ng kaniyang asawang si Rey Soldevilla sa kanilang simpleng kasal.
Habang nagbibigay ng tour sa kanilang bagong condo sa kanilang vlog nitong linggo, inihayag ng mag-asawa na ikinasal sila sa penthouse cafe ng building.
"We realized that we have to put our money dito sa condominium para hindi na kami mag-renta ng bahay," sabi ni Yasmien.
"Kasi, 'di ba, ang laki ng savings na matitipid namin kapag nakuha namin 'tong condominium na, instead na gastusin namin sa isang big wedding."
Kahit na tumitira na sila ngayon sa kanilang dream home kasama ang anak nilang si Ayesha, sinabi ni Yasmien na nangangarap pa rin siya ng isang engrandeng seremonya balang araw.
"[Although] hindi ko naman jina-judge ang mga taong may big wedding, kasi ako rin naman dream ko rin magkaroon ng big wedding someday," sabi niya.
"Pero during that time talaga hindi pa namin kaya ng gano'n kagarbong wedding. [Ang] priority namin, nilaan muna namin dito sa bahay namin," dagdag ng aktres.
"If you're gonna have a big wedding, I'm gonna be the wedding planner!" sabi naman ni Ayesha.
"Sure. Why not, coconut?" tugon ni Yasmien sa kaniyang anak.--FRJ, GMA News