Lumipad patungong Venice, Italy, si Dennis Trillo para sa ika-78 Venice International Film Festival, kung saan nag-premiere ang pinagbibidahan niyang "On the Job: The Missing 8."
Ang pelikula ni Dennis ay idinerek ni Erik Matti Jr., ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.
Sinabi ng Film Development Council of the Philippines na ang "On the Job: The Missing 8" ang kaisa-isang Southeast Asian film na eligible na makipagkumpitensya para sa Golden Lion.
Ang Golden Lion ang pinakamataas na premyo sa kompetisyon at ang Academy Award Best Director na si Bong Joon Ho ang head ng jury na ito.
Sinulit naman ni Dennis ang pamamasyal habang nasa Venice. – Jamil Santos/RC, GMA News