Hindi na makakasama sa 70th Miss Universe pageant ang Malaysia dahil umano sa "worsening COVID-19 situation."
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, inihayag ng organisasyon na nasa likod ng patimpalak na hindi na makapagdaraos ng local Miss Universe Malaysia pageant "due to the worsening COVID-19 situation.
Limitado na raw kasi ang international at domestic travel sa nabanggit na bansa.
"We have therefore declined the invitation to this year’s pageant and regretfully would not be able to hold a local Miss Universe Malaysia pageant this year," ayon sa pahayag.
"We wish all delegates the best of luck at the international competition, and look forward to participating again in the near future," patuloy niya.
Sa Miss Universe 2020 na idinaos nito lang Mayo, kinatawan ni Francisca Luhong James ang Malaysia. Nagwagi sa naturang kompetisyon si Andrea Meza ng Mexico.
Gaganapin ang 2021 Miss Universe pageant sa Eilat, Israel sa darating na Disyembre.
Samantala, inihayag na ng Miss Universe Philippines ang Top 75 na kandidata na maglalaban-laban sa korona.
Sa "runway challenge" ng pageant, nanguna ang pambato ng Cebu na si Steffi Aberasturi, at sinundan nina Asia's Next Top Model winner Maureen Wroblewitz, at Kapuso acrtess na si Kisses Delavin. —FRJ, GMA News