Inihayag ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio may isang babae siyang kinakausap at nasa "getting-to-know stage" ang kanilang relasyon.

“Usap, usap lang. Good night, good night lang,” anang aktor. “’Wag kang papagutom,’ mga ganyan. Ang baduy eh pero gano’n talaga ‘pag may care ka sa tao. ‘Eat your lunch,’ mga ganon.”

Hindi naman itinatanggi ni Derrick na mauwi sila sa seryosong relasyon dahil pareho silang may malasakit sa isa't isa.

Sinabi rin ng binata na kailangang dumaan sa dating at getting-to-know stage para malaman nila kung uubra ba ang kanilang pagsasama.

“Diyan makikita kung compatible kayo sa lahat ng aspects. Diyan malalaman kung ito na ba yung tao na mapapangasawa ko, ito ba yung babaeng willing ako makasama habang buhay,” paliwanag niya.

“Kailangan para makilala yung partner. You have to know a person—her flaws, likes, interests, dislikes niyo about each other,” patuloy niya.

Huling na-link kay Derrick ang Brazilian model na si Livia Dumont. Ayon sa isang ulat ng GMA Entertainment, magkasama ang dalawa sa GMA’s Thanksgiving Party noong 2019. – FRJ, GMA News