Inihayag ni Kris Bernal na dumadaan sa pagsubok ang pagpapanatili niya sa kaniyang mga negosyo ngayong may pandemya.
Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Kris na sinusulit niya ang kaniyang oras para mag-isip ng mga business idea ngayong quarantine.
"When virtual meetings are life. I don't know about you, but all I've been doing in lockdown is come up with a new business idea. So much in my mind," caption niya.
Gayunman, inamin ni Kris na hamon sa kaniya na panatilihin ang kaniyang mga negosyo, lalo't kulang siya sa mga tao para tulungan siya na patakbuhin ang mga ito.
"But behind my "pigang-piga" creative juices, I'm currently at a situation too where it's so difficult for my existing businesses to survive. The businesses are still there. I have incredible customer loyalty, but I didn't have the quantity of individuals I needed for a day to keep my 17+ employees."
"All these factors weigh me down lately and cause sleepless nights plus the news hits harder every single day!" dagdag ni Kris.
Kaya naman naglalaan si Kris ng oras sa kaniyang ina at kapatid para umiwas sa stress, kasabay ng pagsabing miss niya na rin ang kaniyang fiancé na si Perry Choi.
"Anyway, just trying to ease my way in the discomfort by spending wholesome moments with my mom and brother at home. I miss my fiancé too whom I haven't seen in over a month."
Ilan sa mga negosyo ni Kris ang SHE Cosmetics at ang Unli Korean BBQ restaurant na "House of Gogi." --FRJ, GMA News