Kinakiligan at pinusuan ng netizens ang photos na magkasama sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara para sa Kapuso series na "I Left My Heart in Sorsogon." Ang kakambal ni Mavy na si Cassy, at kanilang inang Carmina Villarroel, alamin ang naging reaksiyon.
"Mas deep 'yung dimples nila. Sa sobrang saya parang naganu'n (lumubog) na 'yung dimples nila. And iba 'yung glow," biro ni Cassy sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.
'I don't know what it is pero iba 'yung glow sa kanilang dalawa. Maybe it's the beach, maybe it's the love in the air. Wow! There are really just glowing and happy," dagdag ni Cassy, na kinikilig sa mga larawan ng kaniyang kapatid at ni Kyline.
May reaksyon din si Mommy Carmina sa behind the scenes photos at videos ng kaniyang anak at ni Kyline on set.
"If I'm protective, siyempre mas protective si mama. I think si Mavy kasi mama's boy. He'll message Mavy, 'Maverick ano ito? Hmm ikaw ha pa-picture picture pa kayo nang ganu'n ganu'n sa beach. But siyempre, kinikilig din si mama, I know,'" ayon kay Cassy.
"Number one line ni mama, 'Acting muna, mag-work muna kayo,'" payo raw sa kanila ni Carmina.
Samantala, hoping si Cassy na magkakaroon ng Book 2 ang top-rating primetime series na "First Yaya."
"We're hoping, I really hope there's a book 2 because I feel like I'm not done with my First Yaya family. I feel like I didn't let go of them yet," ani Cassy.--Jamil Santos/FRJ, GMA News