Napabuhat ng barbell si Iya Villania matapos siyang ma-inspire sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, makikita ang Instagram ni Iya kung saan napabuhat siya umaga matapos ang panalo ni Hidilyn.

Ginawa ni Iya ang snatch, na huli niyang sinubukan noon pang 2018.

Samantala, inihayag din ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy ang kaniyang pagka-proud kay Hidilyn.

Ang mga miyembro ng indie pop band na LANY, kaniya-kaniya rin ng post ng kanilang congratulatory messages. —Jamil Santos/LBG, GMA News