Pinagkakaabalahan na rin ngayon ni Lauren Young ang online games dahil sa pag-aya ng kaniyang ate na si Megan Young. Ayon sa aktres, nakatulong din ang bago niyang hobby para mabawasan ang anxiety.
"'Yung gaming, I think ngayon lang siya nag-hit sa akin because noong pandemic nga, hindi ko nakikita si Megan, and this was our way na mag-bonding kami. So we would have like family games and doon kami nagha-hang out," sabi ni Lauren sa GMA Regional TV Live.
"And I decided to start streaming kasi in-encourage ako ng ate ko and ni Mikael (Daez)," ayon pa kay Lauren.
Marami raw naidulot na positibo kay Lauren ang kaniyang paglalaro ng online games.
"It was a way for me to still kind of keep in touch with my supporters, and it also helped me with my anxiety. Kapag may bagong game na lumalabas, ita-try namin siya at the same time as a family," anang Kapuso actress.
Matapos ang dalawang taon na pamamahinga sa telebisyon, bibida si Lauren sa mini-series na "Never Say Goodbye" ng bagong Kapuso anthology na "Stories from the Heart."
Makakasama niya sa series sina Klea Pineda, Snooky Serna, Jak Roberto, Max Eigenmann at iba pang stars.
"Victoria is someone who just wants to do right for her husband but in the process she loses a lot of herself," sabi ni Lauren tungkol sa kaniyang karakter.
"I think matutuwa ang audience in a sense na 'yung 'pag pinanood nila ako hindi siya 'yung ine-expect nila. I'm vulnerable, I'm sensitive, I'm loving, and hindi naman ako 'yung parang kontrabida, hindi rin ako pakontrabida. I'm a woman in pain," dagdag niya.--FRJ, GMA News