Inilahad ni Bea Alonzo ang mga Kapuso na gusto niyang makatrabaho, kabilang na sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards at iba pang stars ng GMA-7.

"Excited ako diyan. Kasi makakatrabaho ko na si Alden sa movie, that will also be produced by GMA, APT and Viva. But siyempre gusto ko rin siyang makatrabaho sa telebisyon. Si Alden, isa 'yan," sabi ni Bea sa Kapuso Showbiz News.

"Ito trivia, ang first love team ko ay si Dennis Trillo. Siyempre mga bagets pa kami nu'n kasi ka-batch ko siya when we were launched. This time, gusto ko siyang makatrabaho now that we're mature and we're adults, and napapanood ko rin siya dati sa teleseryes niya," dagdag ng bagong Kapuso.

Looking forward si Bea na makatrabaho ang marami pang stars ng Kapuso Network.

"And also siyempre nakatrabaho ko na rin si Dingdong sa pelikula. But this time gusto ko ring makatrabaho si Marian. Sana bigyan kami ng pagkakataon ni Marian."

"Siyempre sina Lovi, sina Solenn, Jennylyn Mercado, I look forward to working with all of them". Even the younger ones, like sina Gabbi (Garcia), sina Julie Anne (San Jose), si Ruru (Madrid), I look forward to working with all of them," sabi ni Bea.

Naging Kapuso si Bea matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center nitong Hulyo 1. —LBG, GMA News