Bagama't hindi madali ang pagganap niya bilang isang taong may Dissociative Identity Disorder o DID sa "Ang Dalawang Ikaw," tiniyak ni Ken Chan na wasto ang kaniyang magiging portrayal para sa naturang Kapuso series.

"I’ll be honest, when GMA told me that my next role would involve a character facing a Dissociative Identity Disorder, at the immediate news, I got initially nervous, I knew it wasn’t going to be easy pero sobra akong excited," sabi ni Ken sa kaniyang Instagram.

Ayon kay Ken, sensitibo itong paksa kaya kinailangan niyang mag-aral at gumawa ng masusing research tungkol sa kondisyon na may iba't ibang personality.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

 

"Also, I really needed a workshop dahil hindi madali ang gagawin ko at gusto kong tama ang mensahe na mapapanood ng mga Kapuso viewers," sabi ni Ken.

Nakatulong din daw kay Ken ang panonood niya ng mga pelikula at documentaries na may kinalaman sa DID.

Nasa set naman ang psychiatrist na si Dra. Babes Arcena para gabayan sila sa pag-shoot nila sa series.

Ayon sa Mayo Clinic, ang DID ay dating kilala sa tawag na multiple personality disorder.

Naglalarawan ito sa pakiramdam na mayroong "presence of two or more people talking or living inside your head" at "switching to alternate identities."

Nakatakda nang ipalabas ang "Ang Dalawang Ikaw" nitong Hunyo, na pagbibidahan din ni Rita Daniela na kaniyang magiging love interest.--FRJ, GMA News