Kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-14 na kaarawan, inihayag ni Bimby Aquino na isa siyang straight na lalaki, na taliwas sa puna ng ilang tao.
"I'll set the record straight. I like women. I don't like boys," diretsahang pag-amin ni Bimby sa one-on-one interview sa kaniya ng kaniyang inang si Kris Aquino.
Sa interview, diretsahan ding tinanong ng actress-host kung ano ang nararamdaman ng kaniyang anak sa tuwing nakakabasa ito ng mga komento sa social media na sinasabihan siyang isang bakla.
"Wala, I don't feel anything. I just feel like, 'O sige, if you think I'm gay, all right, dude. But you do realize that gay community sa Philippines is a strong community,'" saad ni Bimby.
Para pa kay Bimby, menor de edad lamang siya para sumagi sa isip niya ang pagiging isang gay.
"And you do realize that I'm 13 ... I'm 14 in a few minutes. So parang like, it did not go through my mind, 'cause I know what I am. I'm straight, I'm straight as an arrow," paglalahad ni Bimby.
"Are you sure?" diretsahang tanong ni Kris, na tinugunan ni Bimby ng isang malaking "Yes!"
"I'm as straight as one of your iPads," biro ni Bimby sa kaniyang ina.
Hindi rin daw dumaan si Bimby sa pagkuwestiyon sa kaniyang sariling kasarian at katunayan, gusto niya ang mga babae.
"I love girls!" sabi ni Bimby.
Gayunman, iginagalang pa rin ni Bimby ang opinyon ng ibang tao tungkol sa kaniya, pero nagpayo siyang huwag pa rin nilang kalimutang rumespeto.
"They're entitled to their own opinion on what they think about me, just as long as you don't, like, attack me. If you say, 'I think Bimb is gay,' I'll respect that. I'll say, 'No I'm not gay,'" sabi ni Bimby.
"But if you say, 'Uy, beki si Bimb, kadiri,' that's wrong. As long as you debate with someone at may respeto ka sa tao, okay lang. If you have different opinions, okay lang 'yan, sure," dagdag pa ni Bimby.
Para naman kay Kris, hindi mahalaga sa kaniya kung piliin mang maging gay ni Bimby o hindi.
"I really don't care, honestly. Parang whatever you chose to be, it will be fine with me for as long as you excel," sabi ni Kris.
"Oh. Can you excel in being gay?" makulit pero curious na pagtatanong ni Bimby.
Tugon ni Kris, "I mean, if you're gonna be gay or whatever you're gonna be, you better be at the profession you choose to be. That's just my feeling. And I'm so anti-homophobia."
"Well you know Bimb, whatever you choose to be, it's none of their business," mensahe ni Kris sa kaniyang anak. – Jamil Santos/RC, GMA News