Ibinahagi nina Glaiza de Castro at kaniyang Irish fiancé na si David Rainey na nagpapatayo sila ng bagong cafe sa Baler, Aurora, na si David ang mamamahala kapag nag-settle na siya dito sa Pilipinas.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita ang ilang litrato ng modern at industrial na disenyo ng kanilang cafe na ibinahagi ni David sa Instagram.

Ayon sa ulat, si David ang mag-aasikaso ng kanilang negosyo sa pag-settle niya sa bansa.

Pamilyar na raw si David sa ganitong klase ng negosyo dahil mayroon din siyang cafe truck business sa Donegal, Ireland. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News