Handa na ang Kapusong si Kelley Day para katawanin ang Pilipinas para sa Miss Eco International 2021 na gaganapin sa Egypt.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing idinaos na ang send-off para sa Kapuso beauty queen, na sobrang excited nang sumabak sa pageant.
"Some of the gauntlet outfits to be finalized with the fittings and everything. But other than that, okay na. I have a lot of suitcases that I can use parang worry ko that with the gowns and everything sometimes it's hard to pack," sabi ni Kelley.
Muling binigyan si Kelley ng kaniyang team ng refresher para sa paligsahan matapos na mahinto ang kaniyang training dulot ng lockdown.
Kinailangang sumailalim sa swab test ni Kelley bago siya umalis at pagdating niya sa Egypt.
"There will be a quarantine period until my results come out na negative ako. So fingers crossed, that I'm gonna be negative when I get there para I can be a part of the pageant," ani Kelley.
Siniguro naman ng Miss Eco International organizers na ligtas sa COVID-19 ang pagdarausang lugar ng pageant.
"The places that we're going to are limited. We'll be going to two different resorts within the two and a half weeks and we're pretty much in a bubble, parang isolated din kami kasi it's like a beach resort so we won't be in areas na maraming tao. We should be quite safe," ayon kay Kelley. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News