Sa programang "Just In," masayang ikinuwento ng dating singer, actress at beauty queen na si Rachelle Anne Wolfe ang nakakakilig na love story nila ng kaniyang asawang si John Spitaletta.
Sa Amerika na ngayon naninirahan si Rachelle kasama ang kaniyang negosyanteng mister at kanilang mga anak.
Sa panayam ni Vaness Del Moral na host ng programa, sinabi ni Rachelle na isang pelikula sana ang nakatakda niyang gawin noon sa Pilipinas nang bigla siyang sundan ni John para hikayatin nang magpakasal.
Kuwento ni Rachelle, single mom siya noon at three years na silang nagdi-date ni John sa Amerika nang magpasya siyang bumalik muna sa Pilipinas noong 1997 para subukan kung ano ang mangyayari sa kaniyang career.
Pero nakaka-dalawang linggo pa lang siya sa Pilipinas nang bigla siyang sundan ni John at doon na siya inalok na magpakasal, na nangyari din agad nang taong iyon.
Dahil sa biglaang pagpapakasal, hindi na itinuloy ni Rachelle ang dapat sanang comeback movie niya.
Kumusta na nga ba ang buhay niya ngayon sa Amerika? Panoorin ang buong kuwento sa video ng "Just In."
--FRJ, GMA News