Nagpasya na umano ang singer na si Jaya na sa Amerika manirahan kasama ang pamilya matapos dumaan sa mga pagsubok dahil sa pandemic.
Sa ulat ng PEP.ph, ibinahagi ni Jaya ang mga pagsubok sa buhay na kanilang naranasan nitong nakaraang taon mula nang magka-lockdown at matigil sa trabaho.
“Naramdaman ko lang na nag-focus ako sa isang bagay na hindi ko alam, nalulungkot na pala ako, natatakot, at nadi-depress,” saad niya.
“I started to lose weight. Hindi ko na-anticipate na hindi na pala ako kumakain nang tama o tamang oras, o nag-one meal a day lang ako. Hindi ko yun napansin,” patuloy ng mang-aawit.
Nakaranas din ng stroke ang kaniyang asawa na si Gary Gotidoc, na gumaling din agad pagkaraan ng tatlong araw.
“[S]a likod ng utak ko, parang, ‘teka ... anong nangyayari? Nakakulong tayo, wala tayong work, at may asawa kang nagkasakit, paano yung mga bata?’” aniya.
Isang ari-arian daw nila ang kanilang ipinagbili at nakaalis na papuntang Amerika ang kaniyang mister ang stepson.
“You know, God had better plans. He made us sell the property, nagbayad the same day … that was January 5 … January 7, they departed,” kuwento ni Jaya.
“They were able to find a job 22 hours later and they were able to find a home to rent na ang laki-laki, ang ganda-ganda na parang, puwede ba nating bilhin yun someday? Hindi naman binebenta … but you know, He provides,” patuloy ni Jaya na nananatiling positibo ang pananaw sa buhay at pananalig sa Diyos. --For the full story, visit PEP.ph