Dumaan din sa pagsasanay sina Pancho Magno at Thia Thomalla para sa role sa kanilang role bilang miyembro ng security group ng pangulo sa upcoming Kapuso series na "First Yaya."

"Paano ang tamang paghawak ng handgun. And of course nag-training din kami kung paano 'yung positioning kung ano ginagawa ng mga PSG," sabi ni Pancho sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.

"I tried working out regularly para hindi ako ganoon kapagod pagdating sa mga scenes na may action. Medyo nahihirapan din ako kasi more on the girly side talaga ako. But I'm really happy with the role," sabi naman ni Thia.

Sa "First Yaya," hindi lang basta PSG ang karakter ni Pancho na may feelings para kay Yaya Melody na gagampanan ni Sanya Lopez.

"Ako dito si Captain Conrad Enriquez na number one protector ng President natin [na gagampanan ni Gabby Concepcion]. Si Melody na kailangan din talagang piliin ni Conrad kung ano 'yung tamang gagawin niya," ani Pancho.

Pareho namang nag-enjoy sina Pancho at Thia sa kanilang lock-in tapings nang maging close sila sa co-stars at members ng produksyon.

"Sobrang saya ng cast and very welcoming lahat, from Tito Gabby to Sanya, to the prod, sobrang welcome ang lahat and naging family ang First Yaya. Sobrang happy ako," sabi ni Thia.

"Kung makikita nila sa TV 'yung relationship pero baka times 100 siguro 'yung real life. 'Yung lock-in namin nagiging second home namin," sabi ni Pancho.--Jamil Santos/FRJ, GMA News