Hindi inasahan ni Ysabel Ortega na makukuha niya ang role ni Jamie Robinson, na isa sa mga bida sa inaabangang live action series “Voltes V: Legacy.”

Nang ipatawag si Ysabel, sinabi ni Direk Mark Reyes na mayroon silang problema.

"We have a problem kasi you didn't do well in the audition," sabi ni direk Mark kay Ysabel na mababakas naman sa mukha ang pag-aalala sa kaniyang nadinig.

"But you did very well. Congratulation you are now Jamie Robinson," patuloy ni direk Mark.

Nang madinig iyon ni Ysabel, napaiyak na sa tuwa ang dalaga.

Panoorin ang buong video ng audition ni Ysabel bilang ninja-fighter ng V5 team na si Jamie.


--FRJ, GMA News