Kapuso pa rin si Ken Chan matapos na pumirma muli ng kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center nitong Lunes, February 8.
Sa larawan na ipinost sa social media ng talent and management , makikita na dumalo sa contract signing ni Ken sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMAAC Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMAAC Senior Talent Manager Tracy Garcia, at Program Manager Nini Matilac.
Maituturing memorable ang muling pagpirma ni Ken ng kontrata dahil ipagdiriwang niya ang kaniyang ika-10 taon sa industriya.
Kabilang sa mga proyekto na nakatakdang gawin ni Ken “Ang Dalawang Ikaw,” kasama si Rita Daniela.
Napapanood din siya sa “All-Out Sundays” at “Daig Kayo ng Lola Ko.”
Nagsimulang gumawa ng pangalan si Ken sa pag-arte matapos ang mga matagumpay niyang mga teleserye tulad ng "Destiny Rose" at “My Special Tatay.” — FRJ, GMA News