Nagpaalala si Jennylyn Mercado sa publiko na ilagay sa tamang tapunan ang kanilang mga basura matapos siyang makakita ng face mask habang nag-i-scuba diving sa Batangas.
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Jennylyn ng kaniyang larawan na hawak ang isang mask habang sumisisid.
"Please don't forget to always take care of your waste! #NOtoOceanPollution," paalala ng Kapuso actress.
Nagtungo sa Batangas si Jennylyn para mag-scuba dive, kung saan ibinahagi rin niya ang nakatutuwa niyang experience na may nag-photobomb na pawikan sa kanilang larawan.
--FRJ, GMA News