Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng singer na si Kyla ang dahilan kung bakit ilang araw na nawala ang kaniyang social media accounts dahil sa nararanasang anxiety.
Ayon kay Kyla, binura niya ang kaniyang Facebook at Instagram accounts dahil nararamdaman niyang nakadadagdag sa kaniyang nararanasang anxiety ang nakikitang mga post ng iba na bumibiyahe, may mga bagong achievement at proyekto kahit may nararanasang pandemic.
Pag-amin niya, hindi niya maiwasan na maikumpara ang sarili sa mga nakikitang post ng iba.
"I deleted my IG and Fb 3 days ago. I felt like it was adding to my anxiety," saad ng mang-aawit. "It’s nice to post pictures of your achievements and stuff like that- and get recognized for it."
Patuloy pa ni Kyla, "But i just feel like everytime i would open it, someone is passively bragging about an accomplishment, travelling at this time when we can’t travel, getting new projects, etc. It’s led me to always compare myself to others. And it’s not good for me."
Pero hindi raw kaya ni Kyla ang matagal na mag-"social media diet" kaya bumalik din siya pagkaraan ng tatlong araw dahil kailangan niya ito upang makaugnayan ang kaniyang pamilya.
Kasabay nito, nagpaalala si Kyla sa kaniyang followers na inangatan din ang kanilang mental health.
Sa comment section, maraming ang nakaunawa sa nararanasan ni Kyla at nagpahayag ng suporta sa kaniya. --FRJ, GMA News