Ngayong 2021, inilahad ni Kyline Alcantara ang bad habits na tutuldukan na niya, tulad ng pagkain ng junk at oily foods na nagdudulot sa kaniya ng acne.
Sa kaniyang latest vlog, ikinuwento ni Kyline na hindi niya maiwasang mag-stress-eating ngayong nasa kolehiyo na siya, at magpapa-deliver din online ngayong panahon ng pandemya.
"I would start eating home-cooked meals dahil 'yun 'yung mga hindi ko masyadong nakain last year," sabi ni Kyline.
Bukod dito, tatanggalin niya na rin ang proctastination o pagpapaliban ng mga kailangang gawin o proyekto.
"Kaya naniniwala talaga ako na it's always now or never. Kailangan nating malaman 'yung mga bagay na dapat nating i-prioritize at 'yung mga bagay na puwede namang 'Mamaya na 'yan' dahil hindi naman siya priority."
Natututo na rin daw si Kyline na humingi ng tulong mula sa ibang tao, at gusto niya ring maging consistent sa kaniyang workout.
Idiniin ni Kyline na iiwasan na niya ang pagkain ng fatty o oily foods.
"Ako personally, nagkaka-pimples ako kapag kumakain ako ng oily food nga or fatty foods... Isa 'yan sa mga dapat #TuldukanNaYan ngayong 2021," sabi ng Kapuso actress.
Matatandaang ibinahagi ni Kyline noon ang struggles niya sa pagkakaroon ng acne, kung saan tinatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang buhok, at gumagamit siya ng concealers at foundations para hindi ito makita.
Nakaranas ng pamba-bash at pambu-bully ang aktres dahil dito.
Natuto na raw tanggapin ni Kyline ang kaniyang imperfections.
"Even though I have imperfections there, I am still confident with all my imperfections," sabi niya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News