Dati nang pangarap ni Sunshine Dizon na maging isang direktor, kaya hindi niya na raw ito pinalampas nang magkaroon ng pagkakataong makatrabahong muli si direk Mark Reyes.
"It's very exciting and challenging at the same time 'cause I'm wearing several hats. I'm also the supervising producer, we are also line producing the project," sabi ni Sunshine sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras nitong Miyerkoles.
"It's really my dream to be a director. So once a window opens, 'di ba, bakit ka pa hihindi?" dagdag ni Sunshine.
Bukod kay direk Mark, na direktor ng hit fantaserye na Encantadia noong 2005, makakasama rin ni Sunshine ang original cast nito na sina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri.
Sa proyektong pagsasamahan nilang mga original sang-gre ng "Encantadia" series, si Sunshine ang nagsilbing associate director.
""B-And-B: The Battle Between Brody and Brandy" ang title ng series, sa ilalim ng Sang-gre Productions, Inc.
Maliban dito, kasama rin si Sunshine sa pagbabalik ng Kapuso afternoon Prime Series na "Magkaagaw."
"Naputol kami noong pandemic, nandoon na kami sa height ng story eh. Nandoon 'yung mabubuking na ni [Clarisse] na si Veron 'yung kabit ni Gio, tapos nabitin, bitin na bitin," ayon kay Sunshine.
Nagsimulang magbalik ang serye na may mga bagong episode nitong Lunes.--Jamil Santos/FRJ, GMA News