Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, pinagkaabalahan ni Arra San Agustin ang baking para madagdagan ang kaniyang kaalaman bilang host ng online food show na "Taste MNL."
Sa GMA Regional TV Early Edition, inilahad ni Arra na nag-enroll siya sa isang baking class habang quarantine.
"One skill would be baking since I enrolled in a class as well para dagdag kaalaman, especially I host Taste MNL. Para mas valid and mas verified 'yung mga sinasabi ko while tasting the food, para may additional knowledge din on what to expect while tasting new flavors," sabi ni Arra.
Tulad din ng iba pang mga tao, natuto rin si Arra na magluto sa tulong ng internet.
"'Yung cooking natutunan ko lang sa YouTube university 'yan," anang Kapuso actress.
Ibinalik din niya ang hilig niya sa pagbabasa ng libro na dati na niyang hobby.
"More on hobbies, nagbabasa ako. I went to reading back more books which is hindi ko masyadong nagagawa nu'ng nag-taping nu'ng may work pa before COVID kasi wala akong time noon," sabi ni Arra.
Bukod sa Taste MNL, mapapanood din si Arra sa Bubble Gang.
Isa rin si Arra sa dalawang leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming series na "Lolong."--FRJ, GMA News